Rain, rain, go the—-away

Halos isang linggo na ang nakakalipas at wala paring humpay ang buhos ng ulan sa Kamaynilaan at sa mga karatig na probinsya. At ngayong araw, hindi lamang sunispinde ng pamahalaan ang mga klase ng mga estudyante hanggang kolehiyo, pero pati na rin sa mga pribado at pampublikang opisina. Ganun kasama ang panahon at ang sitwasyon ngayon.

Siguro ika’y nakahiga sa iyong kama, o kaya’t minamasdan ang sitwasyon mula sa iyong bintana habang humihigop ng mainit na inuming magpapainit ng iyong sikmura dahil sa lamig ng panahon at simoy ng hangin.

Hindi ako magsisinungaling. Kagabi, ako’y nakahinga nang mabuti nang binalitang walang pasok ngayon. Dahil sa ulan, nabigyan ako ng pagkakataong makapagpahinga, kahit kaunting panahon lamang, at makakuha ng walong oras ng tulog. Magagawa ko ang mga bagay na gusto kong gawin; mga bagay na hindi ko magawa sa mga araw na ang hangganan ko lamang ay ang apat na sulok ng paaralan. Pati siguro ikaw, habang ito’y iyong binabasa ngayon, kahit papaano, sumasang-ayon ka sa aking sinasabi.

Baha rito, baha roon.

Pero kapag nakita mo na ang iyong mga kababayang nahihirapan at nangangailangan ng tulong, mga bahay’t tirahang lubog sa baha, binibitiwan mo ang “sayang” idinadamdam mo at ika’y makikiramdam sa kanila. Nakakaiyak panoorin ang mga taong nagtutulungan para makaligtas.

Habang nakakaramdam tayo ng kaginhawaan sa piling ng ating mga pamilya sa ating mga tirahan, mag-alay tayo ng kaunting panahon para sa kanila—magdasal tayo nang taimtim, na huwag sila pabayaan ng ating Diyos.

Ipinagdarasal ko na sana maging okey ang lahat.

#PrayforthePhilippines

Leave a Lovely Thought

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s